1 Taong gulang na bata ang natagpuang wala [email protected] buh4y sa Bay-bayin ng Salug Zamboanga Del Norte

Local News

Isang Taong gulang na bata ang natagpuang wala nang buhay sa bay-bayin ng Salug, Zamboanga Del Norte. Kwento ng mga nakakita sa pinangyarihan nakita nalamang nila itong palutang-lutang sa pampang, agad nila itong tinakbo upang saklolohan ang bata ngunit ng kanila itong lapitan ay wala na itong buhay,

Saad pa ng isa sa mga sumaklolo sa bata, marahil ilang oras na itong nalunod dahil base sa kaniyang obserbasyon ay lumobo na ang tiyan nito na isa sa mga dahilan kaya ito naubusan ng hangin, at nag-iiba narin ng kulay ang ibang parte ng katawan nito. Dumating naman ang mga kaanak ng bata na laking gulat nila kung bakit naruon sa pampang ang bata,daing naman ng ilang residente bakit napunta ruon ang kanilang anak sa pampang gayung imbis na dapat ay binabantayan nila ito.

Saad naman ng pamilya ng bata hindi nila namalayan na lumabas ito ng kanilang bahay upang sundan ang ama nito na nangi-ngisda sa laot, dahil pangi-ngisda ang tanging hanap buhay ng amahin nito, labis naman ang pighati ng ama ng bata dahil hindi nito alam na habang siya ay nasa laot ay uuwi siyang wala na ang kaniyang anak.