10 taong gulang na bata, nag-aararo ng lupa para makabili ng pagkain at gamot ng kanyang lolo’t lola

Local News

Sa murang edad na 10, nagbabanat na ng buto ang isang bata sa Sultan Kudarat. Agad na nag viral ang mga larawan nito matapos makitang walang pagod na nag-aararo ng lupa sa dalawang ektarya na sakahan gamit ang kabayo upang matulungan ang kanyang pamilya sa pangaraw-araw na pangangailangan.

Ang kanyang katuwang sa pag-aararo– ang kanilang kabayong si Rabanos. Sa murang edad pa lamang ay mulat na sa kahirapan si Raymark. Dahil sa kagustohan na makaahon sa kahirapan ay nagpasya itong tumulong sa pamilya.

Ayon sa batang si Raymark, Kasa-kasama niya ang kanyang Lola at Lola na sina Rudy at Nerissa, Dahil sa matatanda na ang mga ito at hirap na sa pagkilos ay tinutulungan niya ito upang makabili ng pagkain at gamot. Ang kanyang Lolo Rudy naman ay nag-aani ng mga pananim.

“Naaawa rin. Kasi batang-bata pa eh. ‘Yung mga ibang bata, laro lang ang kanilang iniisip,” ayon sa kanyang Lola at Lola.

Kwento ng maliit na bata, ang naiipon niyang pera sa pag-aararo ay para sa pambili ng ulam at mga gamot. Kung wala naman umanong kita, okey na umano siya sa kanin at asin. Masarap din naman umano ito.

“Wala na kaming chance yumaman sa mundo, Ma’am, dahil ang amin lang po ‘yung makakain kami sa isang araw,” nakakalungkot na saloobin ni Raymark.

Nakakalungkot din ang kwento ng buhay ni Raymark sapagkat apat na taong gulang pa lamang si Raymark nang iniwan siya ng kanyang ina at nag-asawa ulit, kaya pinalaki siya ng kanyang ama. Ngunit sa kasaamaang palad ay naaresto ito.

“Nagawa ko pong mag-araro dahil sa kanya. Hindi rin niya gusto pero anong gawin namin,” ayon kay Raymark

“Miss ko na, dahil napapagod na po akong mag-araro dahil lang sa kanya. Kung nandito lang po siya, hindi na po ako mag-aararo. Pero sige lang, kakayanin ko para sa pamilya ko,” dagdag pa niya

Para sa mga nais tumulong kay Reymark, bukas po ang tanggapan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)