10 Taong Gulang, Nagtitinda ng Balut upang Maipagamot ang Nanay na Stroke

Local News
Hindi kailanman matatawaran ang kaligayahan ng pagiging isang bata. Sinasabi ngang ang pinakamasayang yugto ng buhay natin ay noong tayo ay musmos pa lamang.

Yung tipong wala kang alam sa kaguluhan ng mundo. Iiyak ka lang kapag nadapa ka at tatawa ka lang kapag kiniliti ka. Napakainosente ng mundo ng mga bata. At kung puwede lang bumalik sa panahong ito ay tiyak na gagawin ng lahat.

Ang tanging kailangan lang nilang gawin ay mag-aral at maglaro. Magkaron ng magandang edukasyon, masayang kapaligiran, maayos na tirahan, sapat na pagkain at higit sa lahat ay maging masaya at makapaglaro kung kailan man nila naisin.

Subalit tila may ibang bata na hindi dinaranas ang mga bagay na ito at sadyang nakakalungkot isipin na hindi lahat ay pinalad na maging isang musmos na malaya.

Na sa murang edad ay kailangan ng maghanap-buhay upang tumulong sa kanilang pamilya. Ang iba ay kailangang huminto ng pag-aaral at kalimutan muna ang paglalaro at akuin ang isang responsibilidad na dapat sana ay para sa kanyang mga magulang at kapamilyang mas nakatatanda.

Tulad na lamang ng isang batang si Samuel E. Miguel, na sa murang edad ng 10 taon ay kinakailangan ng maghanap-buhay para diumano maipagamot at mapa-operahan ang nanay niyang na-stroke.

Ayon sa netizen na si Jane Ashley Jimenez na nagbahagi ng istorya ng bata, sadyang tumutulong diumano ang bata sa nanay nito na magbenta ng balot sa kanilang lugar. Ngunit, sa di inaasahang pangyayari ay nabagok ang nanay nito at na stroke.

Dahil sa nangyari sa ina ay kinailangan ng mag-trabaho mag-isa ng sampung taon na si Samuel. Ito raw diumano ay para maipagamot niya at maoperahan ang mahal na ina.

Nanawagan din si Jimenez na sana ay tulungan ang bata at kung sino man ang nais mag-paabot ng tulong ay ipagbigay alam na lamang sa kanya.

“Baka po may gustong tumulong sakanya nagtitinda sya ng balot araw araw siya nadaan dito sa colayco na kasama mama niya kaso nabagok mama niya and na half stroke yung mama niya. Samuel E. Miguel, 10 years old palang siya nagtitinda siya para daw may pang opera yung mama niya Sa mga gusto pong tumulong paki pm nalang po ako maraming salamat”, panawagan ni Jimenez.

Ang naturang post na iyon ay sadyang nag viral online at umani ng napakaraming reactions, comments at shares sa Facebook. Marami rin ang nagpaabot ng pagnanais tumulong sa bata.

advertisement