100-Anyos na Lola na Nag-viral Matapos Umattend ng Virtual Reunion, Dating Guro Pala ni Gloria Romero!

Local News
Sa buhay ay hindi natin masasabi kung hanggang kailan mo makikita ang mga taong nasa paligid mo. Kung mayroon man na mawawala ay mayroon din namang kapalit. Kaya naman, talagang nakakabigla at nakakagulat kapag dumating tayo sa punto na ang taong matagal nating hindi nakita, ay makikita natin sa hindi inaasahang panahon.

Katulad na lamang ng 100-anyos na lola na nag-viral matapos umanttend sa viratual reunion. Ang lola na ito ay kinilalang si Lola Virgie Malay. Si Lola Virgie ay dati pala umanong guro ng isa sa pinakabeteranong aktres sa bansa na si Gloria Romero.

Si Gloria Romero ay mag-88 taong gulang na sa darating na Desyembre 16. Sa kanyang edad ay talaga namang nakakamangha na makita pa ang dati niyang guro.

Kaya naman, marami ang natuwa sa muli nilang pagkikita gamit ang internet. Kung mapapansin ay parehas pa sila malakas at malusog. Nakakatuwa lamang isipin na sa tinagal-tagal ng panahon ay muli pa silang magkikita kahit na sila ay may edad na.