11-anyos na bata sa Cebu, 8-Taon nang itinali sa kaniyang higaan ng kaniyang mga magulang

Local News
Naitampok ang kwento ng isang 8-taong gulang na si Precious sa Brangay, Minglanilla Cebu, ang 11-taonng gulang na si Precious na kung saan ay mayroon itong karamdaman sa pag-iisip sa programang Kapuso Mo Jessica Soho, kwento ng inang si Mardie Dagyawan ina ng bata.Noong Isilang raw nito si Precious ay hindi daw ito umiyak, makalipas lamang ng ilang araw ay nilagnat naraw ito at mula noon ay halos pabalik-balik sila sa ospital, nuong gumaling ang anak niyang si Precious ay wala naman raw silang nakikitang kakaiba, ngunit sa paglaki nito ay duon na raw lumabas ang pagiging violente ng batang si precious.

Dito na raw umano kung minsa’y sasaktan nito ang kaniyang sarili na halos magkaroon na ito ng pasa sa katawan at mga bukol sa ulo dahil inuumpog raw nito ang kaniyang ulo sa pader, kung minsa’y nanakit na umano ito ng kaniyang mga kalaro.
Kung kaya’t dito na napag pasyahang itali nalamang ang kanilang anak sa retaso ng tela, upang mapatanag ang kanilang kalooban, dahil kung hindi raw nila ito gagawin ay kung ano ang gawin ng bata at baka mas lalong lumala pa ang pagiging violente nito, mula noon ay hindi na muling pinakawalan pa sa pagkakagapos ang batang si precious. at sa mahigit 8-taon nitong pagkaka gapos sa higaang papag.
Php450.00 lamang ang kinikita ang asawang si Gerson Dagyawan, walang trabaho ang kaniyang maybahay kung kaya’t ito nalamang angn naiiwang nagbabantay sa kanilang panganay na si Precious, katuwang nito sa pagaalaga ang bunsong kapatid nito. Hindi paraw nasubukan ng mag-asawa na ipatingin sa specialista ang bata dahil wala silang kakahayan upang ipatingin ito, dahil sapat lamang sa pang araw-araw ang sinasahod ng asawang si Gerson.