2 taon gulang na bata nalunod sa timba habang naglalaba si lola

Local News

Isang 2 taong gulang na batang lalake ang nalunod sa timbang may lamang tubig. Ang insidente ay nangyari sa Brgy, Central Bayan ng Tarragona, Davao Oriental, Saad ng lolang nag babantay sa batang si Jade naglalaba siya nang mga oras na iyon ng pumasok siya sa loob ng kanilang bahay upang magluto sana ng makakain, naiwan naman sa labas ng kanilang bahay ang dalawang taong gulang na bata habang naglalaro.

 

 

 

 

 

Saad pa ng lola napansin niyang parang biglang tumahimik ang apong kaninang maingay habang naglalaro ng silipin niya, laking gulat nito ng makitang nakasub-sob ang buong katawan nito sa luob ng timba at tanging mga paa nalamang ang kita rito.

 

Agarang nilapitan ito ng kaniyang lola at humingi ng tulong sa mga kapitbahay nadala pa umano ang bata sa pagamutan ngunit agarang sinabi ng mga rescuer na ang kaniyang apo wala nang buhåy.

 

 

 

Labis naman ang dalamhati ng pamilyang naulila maging ang lola ng bata dahil hindi nito akalain na mangyayari ito sa kaniyang apo.