2 Taong Gulang na Bata, Ayaw Umalis sa Puntod ng mga Magulang

Local News

Walang sinumang magulang ang pangaraping iwan ang kanilang anak lalo na sa batang edad dito sa mundo, subalit minsan ang pagkakataon ay hindi natin kayang diktahan ng mga posibleng mangyari.

Isang tunay na kwento ang umantig sa mga netizen patungkol sa dalawang taong gulang na batang lalaki na namatayan ng magulang. Wala pang ka alam-alam ang murang bata sa mga nangyayari sa kanyang paligid kung kaya’t pati mga netizens ay napaluha sa kanyang naranasan.

Ibinahagi ni Azuan Shamsuddin tungkol sa pamangking ayaw umalis sa puntod ng kaniyang tatay at nanay.

Ayon kay Shamsuddin, hindi alam ng batang si Arfan na nasawi ang magulang niya sa aksidente nang mabangga at tumilapon sa sinasakyang motorsiklo.

Dahil palaging tinatanong at nami-miss ng paslit, binisita nila ang libingan ng dalawa noong araw mismo ng Pasko.

Sinabi daw ng lalaki sa musmos na nakatira sa ilalim ng buhangin ang mama at papa niya.

Tila kinakausap sila ni Arfan nang bigla siyang umupo at maglaro sa puntod.