21-Anyos na Lalaki, 15-Araw Nang Palaboy Dahil Diumano’y Iniwanan ng Kanyang Driver Matapos na Mag-Deliver!

Local News

Isang concerned netizen ang nilapitan ng 21-anyos na lalaki. Siya ay nagpakilalang si Jonel Caidoy. Ayon kay Jonel, iniwan umano siya ng kanyang driver matapos na mag-deliver. Mula pa si Jonel sa Tacloban at ngayon ay 15-araw na siyang pagala-gala sa Marikina Heights. Nais nang umuwi ni Jonel sa Leyte kaya naman humihingi siya ng tulong para makabalik na siya sa kanyang pamilya.

Si Ffej Calutamid angg nagbahagi ng larawan ni Jonel sa social media. Humihingi din siya ng tulong sa mga netizen upang mabigyan ng sapat na pamasahe si Jonel at makauwi na sa kanilang lugar. Nananawagan din siya na i-share ang kanyang facebook post.

Mag-tiyuhin ang driver at pahinante na ng iwan kay Jonel. Sana ay makaabot ito sa pamilya ni Jonel upang malaman nila ang kalagayan nito. Marahil ay nag-aalala na sila kay Jonel. Nawa ay may mabuting kalooban na tumulong kay Jonel.

“NILAPITAN PO KME NG ISANG LALAKI DTO SA MARIKINA HEIGHTS GALING DAW SILA NG TACLOBAN NAG DELIVER DAW SILA NG COBRAS TAPOS INIWAN DAW SIYA SA BAYAN NG MARIKINA 15 DAYS NA DAW SIYA PAGALA GALA SA MARIKINA SANA MATULUNGAN NIYO SIYA MAKAUWI SA LEYTE.

“PAKI SHARE NYO PARA MAKAUWI NA DAW SIYA PANGALAN NYA PO AY SI JONEL CAIDOY 21yrs Old. TAGA TACLOBAN LEYTE. PLSS PAKI SHARE PO PARA MAKAUWI NA SIYA SA PAMILYA NYA .INIWAN SYA NG DRIVER/PAHINANTE MAG TITO PO UNG KASAMA NIYA”