69-anyos na ina, nakikitira sa jeep kasama ang anak na may malubhang karamdaman

Local News

Isang 69- anyos na Ina ang pilit na kumakayod para sa kanilang dalawa ng kanyang anak na may sakit sa baga.

Ayon kay Nanay Julieta, nakikituloy lang sila ng kanyang anak na si Regan na 34-anyos sa isang pampasadang jeep dahil wala na silang matutuluyan.

Labis pa ang hirap ni Nanay Julieta dahil may sakit pa ang kanyang anak na si Regan na Tuberculosis at kailangan itong dalhin sa ospital.

Hindi na daw alam ni Nanay Julieta ang gagawin kung muling papasada na ang jeep na kanilang tinutuluyan.

Ang tanging pinagkakakitaan lang ni Nanay Julieta ay ang pangangalakal kahit delikado sa matanda ang lumabas dahil may pandemya

Lubos namang nagpapasalamat si Regan sa kanyang Ina dahil kahit hirap na ito ay hindi parin sya nito pinapabayaan at ang hiling nya ay mapa-ospital sya para magamot ang kanyang sakit.

Ito ang kabuuang post

69-ANYOS NA NANAY, NAKIKITIRA SA JEEPNEY HABANG INAALAGAAN ANG ANAK NA MAY SAKIT!

Dahil walang matutuluyan, nakikitira ang 69-anyos na si Nanay Julieta at ang anak niyang si Regan sa isang jeepney! Labis ang hirap na dinaranas ng mag-ina lalo pa’t may Tuberculosis na iniinda si Regan. Kung sakaling papasada muli ang jeepney, hindi na raw alam ng mag-ina kung saan sila pupunta. Ang buong kuwento, panoorin sa video!

Para sa mga nais tumulong kay Nanay Julieta at Regan, makipag-ugnayan lang kay Apple Magbutay:

CELLPHONE NUMBER & GCASH: 09654094182