7 magkakapatid, kinantahan ang nakaburol na ina dala ng sobrang pangungulila

Local News

Dumurog sa puso ng marami ang video na ibinahagi ng netizen na si Rowena Germina tungkol sa pitong mga batang anak ng kanyang pamangking yumao na si Imelda Casaul.

Nalaman na maagang naulila sa ina ang pitong bata. Dala ng matinding pagka-miss sa ina, kinantahan nila ito habang nakaburol. Kwento ni Rowena, kinantahan ng mga bata ang kanilang ina sa pag-aakala na baka ito’y magising.

“Iingatan Ka” ni Carol Banawa ang kinanta ng mga bata dahil iyon daw ang paborito ng kanilang ina. Noong ito’y nabubuhay pa, iyon din ang kinakanta niya bilang pampatulog sa mga anak.

Kwento ng nakatatandang anak ni Imelda na si Ginbert, bestfriend niyang maituturing ang ina. Mahal na mahal niya ang ina at ipinangako rito na aalagaan niya ang kanyang mga nakababatang kapatid.

Matapos na mag-viral ang video, dinagsa naman ng tulong ang mga naulila ni Imelda. Mula sa mga pagkain, damit, at iba pang mga pangangailangan ng mga bata ay naibigay ng mga taong nagmalasakit na sila’y tulungan.

Mula sa PHP100 hanggang PHP10,000 ang halagang naipaabot sa naiwang pamilya ni Imelda na labis namang ipinagpapasalamat ng tiya nito na si Rowena.

Narito ang video na naibahagi rin ng Kapuso mo, Jessica Soho at ng Mel Discovery: