8 taong gulang na bata ang mag-isang nag aalaga sa inang may sakit at maliliit na kapatid, natulungan ng vlogger

Local News

Natulungan ng vlogger na si Virgelyncares ang isang walong taong gulang na bata na naabutan niyang nangungutang sa isang tindahan, Nang kanya itong usisain, nalamang niyang may sakit pala ang ina nitong hindi na makagalaw ng maayos.

Bukod pa rito, may apat pa siyang maliliit na mga kapatid na iniintindi rin niya,Wala ang kanilang ama na naghahanapbuhay nang mapuntahan sila ng vlogger.

Isang walong taong gulang na bata ang natulungan ng vlogger na si Virgelyncares kamakailan, Napag alaman na naabutan niya itong nangungutang ng kape at asukal para may mainom ang inang kumakalam na ang sikmura.

Nang usisain ni Virgelyn ang kalagayan ng batang si “Jenny”, nalaman niyang nabinat umano ang ina nito sa panganganak. Nakaratay lamang ito at bagaman at nakatatayo pa, nahihirapan na rin ito.

Hindi na rin maalagaan ng ina ang bunso niyang anak na naiiwan na lamang sa kanilang banig. Si Jenny rin ang nag-iintindi rito.

Mabuti na lamang din at mabait ang may-ari ng tindahan na nagpapautang sa pamilya ni Jenny, Kahit alam niyang hindi makakabayad agad ang mga ito, patuloy pa rin niyang tinutulungan. Katunayan, isinama pa ng mister ng may tindhan ang tatay ni Jenny para magkaroon ito ng trabaho.