80-Anyos na Lola, Humihingi ng Tulong para Mapatingnan sa Doktor ang Kanyang Karamdaman

Local News

Isang matandang babae ang humihingi ng tulong upang maipagamot ang kanyag karamdaman sa kanyang mukha dahil sila ay salat sa pera.

Ayon sa post ni Jhon Martin Estopia Abas, humihingi sila ng tulong para kay Lola Verginia Adolfo na 80-anyos na taga Brgy. Agnaga, cuartero, capiz, region 6, Western visaya.

May karamdaman umano si Lola Verginia sa balat sa mukha at lumala ito dahil wala silang pera para mapatingin ito sa doktor.

Nagtatanim lang umano sila Lola Verginian ng mais at palay para may makain kaya wala humihingi sila ng tulong.

Makikita sa mga larawan na lumo-lobo na ang isang mata ni Lola at may bulak naman ang kanyang ilong dahil sa kanyang karamdaman.

Patuloy na lumalaban si Lola kahit mahirap ang kanilang buhay, kaya kung sino man ang may busilak na puso na gustong tumulong ay malaking tulong para sa kanyang agarang paggaling.

Narito ang kabuuang post ni Jhon Martin Estopia Abas sa kanyang Fb account,

Have a bless morning sir Raffy Tulfo in Action??. Kami po’y kumakatok sa iyong puso na sana’y matulungan at mabigyang pansin po si Lola VERGINIA ADOLFO siya po ay labing 80 gulang, nakatira sa Brgy. Agnaga, cuartero, capiz, region 6, Western visaya. Salat po sila sa PERA kaya Hindi po Ito na pa check up, at Ang kaniyang mga anak Wala din pong magandang trabaho, nagtatanim lng ng mais at palay.

Isang kahig isang tuka lamang Ang knilang pamumuhay Kaya si lola dumaranas ng sakit sa balat sa mukha hanggang sa itoy kumalat sa mga MATA, BABA, at kaniyang ILONG , tiniis Niya Ang kaniyang kalagayan at patuloy Niya itong nilalabanan dahil sa hirap ng kanilang pamumuhay.

Sir Raffy tulfo in Action ni sanay iyong mabigyang pansin at matulungan po so Lola VERGINIA ADOLFO. #RaffyTulfoInAction?.
#LolaVerginiaAdolfo.
#helpless