86-Anyos na Lolo, Nakuhanan ng Larawan na Nakaluhod Habang Taimtim na Nagdadasal sa Kanyang Hospital Bed!

Local News
Marami sa atin ngayon ang tila nakakalimutan ng tumawag sa Panginoon. Sa panahon natin ngayon na may pand3mya tayong kinahaharap, krisis ng bansa, at mga kalikasan na tila nasisira na ay marapat lamang na humingi tayo ng kapatawaran sa Kanya. Ang pagdarasal ay isang bagay na kung tutuusin ay napakadaling gawin ngunit nakakalimutan na ng marami sa atin.

Viral naman ngayon ang isang larawan ng 86-anyos na lolo na nakaluhod sa kanyang hospital bed habang taimtin na nagdarasal.

Ayon sa uploader na si Nenita Dale, ang larawang ito ay nakuha nang gabi bago pa man ilipat si Lolo sa ICU at islng linggo bago siya bawian ng buhay. Kinilala si Lolo sa tawag na “Ka Dalds”. Ayon kay Nenita, parati umanong sinasabi s kanila ni Lolo na gawin nila ang lahat ng mga bagay na mayroong karapatan at kaayusan.

Hiråp na umanong kumilos si Lolo ngunit pinilit pa rin niyang lumuhod sa kanyang hospital bed upang magdasal. Marahil ay humihingi si Lolo ng kapatawaran sa kanyang mga nagawang hindi maganda. Ayon sa mga netizens, marahil ay nasa langit an si Lolo at kapayapaan ang kanyang napuntahan.

Katulad ni Lolo o Ka Dalds, nawa ay hindi tayo makalimot na tumawag sa Itaas hindi lamang upang humingi ng ating mga nais na matupad kung hindi humingi ng tawad sa Kanya at magpasalamat sa mga biyaya ipinagkaloob Niya sa atin.