Abogado, Binayaran ng Nahuling Alimango Bilang Kabayaran sa Kanyang Serbisyo ng Kanyang Kliyente!

Local News

Ang abogado ay isa sa pinaka mahiråp ng propesyon kaya naman, malaki din ang nagiging kabayaran sa kanila sa tuwing may hearing sila. May mga pampublikong abogado din ang ating bansa para sa mga taong hindi kayang magbayad ng professional fee ng abogado. Hindi biro ang propesyon ng isang abogado dahil marami itong kinakailangang isaalang-alang para maipanalo ang kaso.

Isang facebook post naman ang viral ngayon sa social media nang i-post ni Atty. Noell Allan Bose ang kanyang larawan na may hawak na isang bugkos na alimango.

Ayon sa naturang post na kanyang ibinahagi, nang matapos umano ang hearing ay nakiusap umano ang kanyang kliyente na kung maaari ay ang nahuling alimango na lamang ang kanyang ipangbayad sa serbisyo ng abogado sa Sorsogon City.

Pumayag naman si Atty. Bose na alimango na lamang ang ibabayad sa kanya. Hawak ang isang bugkos na alimango at sa kabila naman ay hawak niya ang kanyang brief case.

“Nakakataba ng tiyan ang alimango, (at nakakamanhid ng batok) pero mas nakakataba ng puso ang inyong mga reactions sa post kong ito! Gusto ko rin sanang pasalamatan lahat ng mga abogado na nagtatrabaho sa gobyerno at pribado. Hindi sila madalas magpost ng kanilang trabaho at mga pagsubok, pero di hamak na masisipag at dedikado sila sa kanilang pangakong tumulong sa kapwa Pilipino,” pahayag nito sa kanyang post.

Sa ngayon ay umani na ng 115k reactions ang post na ibinahagi ng GMA News. Marami naman ang mga netizens na humanga sa abogado. Narito ang ilang komento:

“Wow, sometimes it’s really not about the money but the willingness of helping people.”

“Sana all ng Atty ay kagaya niyo po nakàkatakot po kumuha ng Atty pàg Wala kang pera tiyak na walang mangyayari sa Hearing Hindi uusad Ang hearing dahil walang maibayad Ang kliyente Sana All Kagaya niyo po GOD BLESS YOU MORE ATTY NOEL ALLAN BOSE.”

“Ang pinakasinungaling na tao yung abogado kahit mali kaya nilang itama basta may pera ka hahaha pero sayo sir Bose saludo po ako sau god bless…”

“good job po Atty, nawa po maraming katulad mo na hndi nasisilaw sa pera lubos ka po kailangan ng ating mamayang mahihirap, God bless you po”