Actual footage ng mga na Stranded sa mcdo sa naganap na Engkwentro ng PDEA at PULIS

Local News

Kinumpirma ng pamunuan ng Ever Gotesco Mall ang nangyaring shoot-out sa labas ng kanilang establisyimento sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sa inilabas nilang pahayag nitong Miyerkoles, sinabi ng Ever Commonwealth management na, “We have secured all access to the mall so all shoppers are safe inside.

Our priority right now is to ensure the safety of the employees and the public.”

Nakikipagtulungan na rin daw sila sa Philippine National Police kaugnay sa nangyari at pinag-iingat ang publiko sa pagbabahagi ng mga hindi pa kumpirmadong impormasyon online.

Ayon sa inisyal na report, naganap ang shoot-out sa pagitan ng mga pulis at isang grupo ng mga armadong lalaki sa isang fast-food restaurant malapit sa nasabing mall.Dalawang pulis ang naiulat na sugatan sa engkuwentro bandang alas-sais ng gabi.