Akala ng bata ay mahimbing na natutulog ang kanyang pumanaw na ina sa kabaong, kumurot sa puso ng publiko

Local News

Maraming netizen ang naantig ang damdamin ng makita ang post na ito sa social media na sa isang larawan ng batang lalaki na pilit ginigising ang minamahal na ina.

Katulad na lamang ng isang larawan na ito na mabilis na nag viral at naging usap-usapan sa socmed. Na halos darating sa punto na masasabi mo na lang na bakit sayo pa nangyari ito o kaya naman ay bakit sakanya pa. Masasabing, ang buhay kung minsan ay “unfair” o “hindi patas”, wika nga ng iba.

Hindi biro talaga na ipaliwanag sa isang bata ang ganitong pangyayari lalo’t hindi pa nito tunay na maiintindihan ang kahulugan ng ganitong malungkot na yugto ng buhay.

Kaya kung minsan ay ang pinaka magandang paliwanag na lang ang madalas na ipinapaintindi sa kanila, upang sila ay hindi masaktan ng sobra.

Ayon sa mga netizens, sobrang nakakadurog ng puso ang makakita ng ganitong pangyayari. Pero ang mas kumurot sa kanilang damdamin ay matapos malaman na ang buong akala pala ng bata ay natutulog lang ng mahimbing ang kanyang ina. Nang tanongin nito kung bakit hindi ito natutulog sa kanyang tabi.

Kaya naman sa buhay ay lagi natin tatandaan na kahit ano pa man ang dumating na problema o hindi magandang bagay o pagkakataon, tayo ay laging maging matatag at maniwala na malalagpasan din ang mga ganitong pagsubok.

Lagi din nating isipin na hindi ibibigay ang ganitong pagsubok kung hindi natin kayang lagpasan. Ang istorya ng batang na nakadukduk at nakayakap sa kabaong ng kanyang ina, ay isa din na paalala na ang buhay ay hindi natin kontrolado o hawak.