“Alamang Beach”, Halos di na makita ang dalampasigan dahil sa dami ng alamang

Local News

Nagulat ang ilang residente ng Casiguran, Aurora matapos dagsain sila ng Shrimp Krill, ang uri ng shrimp krill na ito ay ginagawang alamang o hindi kaya’y Okoy aniya ng ilang residente pasadong mag da-dapit hapon ng may mapansin silang parang maliliit na shrimp krill sa dalampasigan, hindi lamang nila ito pinapansin hanggang sa bigla nalamang itong dumagsa makalipas lamang ng ilang oras.

 

 

 

 

 

 

 

Saad ng ilang mga saksing residente sa dalampasigan “Nagulat po ako kasi balak ko lang po talagang ipakita sa mga tinag ko kasi hindi pa po sila nakakita ng ganyan” Ibinahagi niya ang nakuhang larawan sa social media at agad itong nag viral.

 

Saad naman ng ilang netizen masarap daw itong gawing oko’y at bagoong alamang, lalo’t pa sariwa ito. may mga agam-agam naman ang ilang tiga ruon sa Casiguran, Aurora kung titignan ay biyaya ito mula sa karagatan ngunit nanga-ngamba dahil ngayon lamang ito nangyari sa kanilang lugar, at baka raw nag babadya ito ng masamang pangitain sa kanilang lugar.