Ama, Kasama ang Isang Buwang Gulang na Anak sa Paglalako Matapos silang Iwanan ng Kanyang Asawa

Local News

Isang lalaki ang nagtitinda ng mais habang buhat niya ang kanyang anak na isang buwang gulang pa lamang.

Ayon sa post ni Cristina Magpuyo Birao, nadaanan niya ang isang lalaki na naglalako ng hilaw na mais habang buhat ang kanyang anak na isang buwang gulang pa lamang.

Kailangan umanong kumayod nito para may makain silang mag-ama dahil umalis ang kanyang asawa kasama ang isa pa nilang anak.

Dahil wala umanong magbabantay sa anak niya kaya niya ito sinama sa kanyang paglalako.

Humihingi umano ng konting tulong si Cristina para sa mag-ama dahil kawawa naman umano ang sanggol dahil bilad ito sa araw dahil sa paghahanap-buhay ng kanyang ama.

Sa mga gustong tumulong ay kontakin lamang si Cristina para maiabot sa mag-ama ang tulong na kailangan nila.

Narito ang kabuuang post ni Cristina Magpuyo Birao sa kanyang Fb account,

king brian A.K.A marian kung taga Barangay Batasan ka makikilala nyo sya nadaanan ko po sya habang ngttinda kasama ang isang buwang baby nya nakakalungkot kylangan nyang kumayud para mpakain ang baby nya dahil ung nanay itinakas ang isa nilang anak at kaya niya dala dala ang baby nya dahil walang mgbantay(opo naka uniform po ako at trabho ko po sana ang kuhanin sila or bgyan ng violation pero sa paliwanag nya bilang magulang naiintindihan ko po sya…)humihingi lng sana ako ng kunting tulong para kahit papano nsa bahay nlng sna sya mgtinda para dina ma xpose ang kanyang baby sa mga gustung tumulong po pwd nyo po ako kontakin o kya sa ating brgy.dahil kulang po ang naibigay kung tulong sa knya kahit papano my pang gatas sya sa baby nya…????PLS..RESPECT my post po