Ama na Buhat ang Kanyang Anak Habang Naglalako ng Kanyang Paninda, Nahilo!

Local News

Maraming beses sa buhay na sinubok tayo ng panahon. May mga pinagdadaanan pero patuloy pa din sa paglaban, nadadapa man ay bumabangon pa din. Kagaya ng mga haligi ng tahanan, bilang isa ama, gagawain nila ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Magbabanat ng buto upang mabuhay at may ipangkain sa kanyang pamilya.

Tulad na lamang ng isang ama na ito, sa kalagitnaan ng kanyang pagtitinda ay bigla siyang nakaramdam ng paghilo at nahimåtay. Siguro ang dahilan ng kanyang pagkahilo ay pagod at init na iniinda niya makapagtinda lamang. Isa pa dito, makikita sa larawan na may karga din siya- ang kanyang anak.

Sa kabilang banda, may mabubuti pa ding puso ang handang tumulong sa kanilang kapwa. May ilang netizens ang tumulong sa ama na ito at nagbigay ng gamot para sa panglunas ng kanyang karamdaman.

Siya lamang ang mag-isang nagtataguyod ng kanyang pamilya dahil ang kanyang misis ay nasa bahay at nagpapahinga dahil may karamdaman ito.

Ayon pa sa ama, kahit anong hirap daw ay titiisin niya para lang mabuhay ang kanyang pamilya at hindi niya ito magagawang pabayaan. Itataguyod niya kahit na mag-isa sa marangal na paraan.