Amerikanong Nilok0 Umano ng Isang Pinay, Binigyan ng Tulong ng mga Estudyante!

Local News

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin sa mga banyaga lalo na kung narito sila sa ating bansa. Labis namang ikinatutuwa ng ibang mga lahi ang kaugalian nating mga Pilipino na pagiging masiyahin kahit pa tayo ay nasa gitna ng mga pagsubok. Ngunit hindi rin natin maitatanggi na may ilan sa ating mga kababayan ang nagte-take advantage sa mga banyaga.

Tulad na lamang ng isang Pinay na diumano’y nanglok0 ng isang banyaga. Ayon sa post ng Heaven Elements, ninakåw umano ng Pinay ang bagahe ng banyaga maging ang ilang gamit at pera nito ay kinuha rin. Panghihingi ng pagkain ang tanging ginagawa ng banyaga para mabuhay at makatawid sa gut0m na nararamdaman.

Nakita naman ng ilang estudyante ang banyagang ito sa kalye na tila nagugut0m at nangangailangan ng tulong. Kaya naman, naisipan ng mga estudyante na bigyan ito ng tulong. Binilhan nila ng ilang makakain at maiinom ang matandang banyaga at tinulungan din nila itong makapunta sa embassy upang siya ay matulungang makauwi sa kanilang bansa.

Narito ang naturang post na ibinahagi ng Heaven Elements facebook page:

“Guys! pasikatin natin ang mga estudyanteng ito.. sila po yung tumulong sa sa amerikanong niloko ng pinay, ninakaw ang bagahe at iba pang gamit at pera kaya nanghihingi na lang ang matanda ng pagkain para mabuhay, mabuti na lang at nakita sya ng mga estudyanteng ito at pinakain at tinulungan makapunta ng embassy.. saludo po kami sa inyo mga ate.. God bless!”