Anak ng Magsasaka Nakapasok sa Harvard at Columbia University sa U.S.A

Local News

Dalawang scholar mula sa International School Manila ay nakapasa sa Harvard at Columbia University sa U.S.A.

Si Romnick Blanco, isang anak ng magsasaka ng gulay at bigas mula sa Bulacan, ay natanggap sa Harvard University para sa full scholarship, kasama na dito ang kanyang tuition, titirahan sa Boston, plane ticket, at pati na rin wardrobe allowance.

Ayon sa GMA News, si Romnick ay pang-pito sa siyam na magkakapatid. Masipag siyang mag-aral at, ayon sa Rappler, noo’y naglalakad siya ng dalawang oras para makarating sa iskwela sa Sierra Madre, Bulacan.

Si Jessica Cuadro naman, na anak ng pulis ay makakatanggap din ng full scholarship mula sa Columbia University sa New York. 13 na ga-graduate sa ISM ngayong taon ay natanggap din sa mga prestihiyosong Ivy League schools sa Amerika.