Anak, sinurpresa ang ama gumawa ng malaking Portrait Art para sa Father’s Day

Local News

Isang obra ang talaga namang mag-papangiti sa kaniyang ama na likha mismo ng kaniyang anak na si Nestor Abayon Jr. surpresa niya ito sa kaniyang ama dahil sa papalapit na Father’s Day.

 

 

 

 

Napag-alaman rin na pangalang likha na niya ito na kung saan sinupresa rin niya ang kaniyang ama noong nakaraang Pebrero araw ng mga puso. dahil sa pagmamahal nito sa kaniyang ama, hingid sa kaalaman ng marami saad ni nestor “ang kaniyang ama mismo ang nag hubog sa kaniyang talento upang mag pursige sa pagpipinta. bata palamang siya ay palagi na itong naka supporta sa kaniyang hilig sa art”.

Kung kaya’t taos puso nitong iniaalay ang kaniyang mga sining likha para sa kaniyang ama, higit paruon ay nakapag tapos rin si Nestor ng kursong Marine Engineering, bagaman hilig talaga nito ang art ay sadyang pinagpursigi nito ang larangan ng sining na kung saan kumikita ito sa halagang Php23,000 sa kaniyang bawat obra.

At dahil sa kaniyang ama na nagsilbing inpirasyon niya ay muli niya itong iginuhit upang mag bigay pugay dahil sa walang sawang pag supporta nito sa kaniyang nakahiligang propesyon. Papalapit na ang father’s Day na kung saan pinaghahandaan niya itong tapusin upang sa darating na linggo ay maipapakita na niya ito sa kaniyang mahal na ama ang kaniyang obra.