ang isang matandang lalaki na sumusid sa isang baradong kanal

Local News

Ilan sa mga tao ay nandidiri sa ganitong maduduming klaseng trabaho, ngunit ang karamihan satin mas pinipiling papasukin ang ganitong klaseng trabaho para lamang maitaguyod ang pamilya. Dahil marami saatin ang limitado parin ang kinikita sa pangaraw-araw na pangangailangan ay napipilitan ang iba na gawin ang mga trabahong mahihirap kahit na pandirihan pa ito ng mga taong makakakita sakanila. sa isang facebook video post na ibinahagi ni Yncierto Rhoieyee Allan Saban, ang isang matandang lalaki na sumusid sa isang baradong kanal.

agad naman itong umani ng sari saring komento, makikita sa video ana hindi alintana sa matanda ang madumi at mabahong kanal na sinisisid. ginawa nya ang trabahong ito upang tanggalin ang baradong basura sa kanal, kahit pa kapalit ng trabahonh iyon ay ang kalusugan nya ay handa paring gawn ng matanda para lang kumita. Ang post ni Saban ay may caption na“TINGNAN; buwís buhay napag sisid ng isang matanda sa baradong kanal.

Sa hirap ng buhay kahit ano papasukin ni tatay para sa kanyang pamilya. Marangal na trabaho ngunit napakahirap para sa isang matanda tulad nya.” Kung mapapansin sa nakuhang video ang matanda ay walang safety gear na syang mag poprotekta sana kanya sa delikadong trabaho. Ang ganitong mga bagay ay hindi dapat gawing kakatuwa sapagkat isa itong marangal na trabaho. Hindi lamang pamilya ni tatay ang kaniyang natutulungan sa kaniyang paglilinis ng kanal, pati narin ang kapaligiran ay napapanatili niyang malinis. M arami sa mga tao ang walang kusa o kaalaman sa pag tatapon sa tamang basurahan kaya naman karamihan sa ating kanal ay barado.

Responsibilidad ng lahat na maging maayos at malinis sa kapaligiran kaya naman saludo ang lahat kay tatay! Sa lakas ng loob at pati narin sa kabutihan ni tatay na makatulong sa pamilya ay kaya niyang sisirin ang kahit na anumang pagsubok sa kaniyang buhay upang makatulong ay pati narin mabawasan ang mga basura sa kapaligiran. Komento ng isang netizen, “Kawawa mman si Tatay pero saludo ako sayo.. napakapalad ng iba ng mayroon pang mas madali na trabaho.. pèro parang mas delikado pa sa C0vid ang ginagawa mo Tatay”.

No description available.

Isa lamang itong sa mga patunay na hindi man pangkaraniwan para sa iba ang ginagawang trabaho ng ilang mahihirap, ipagpapatuloy pa rin nila ito para sa mga taong umaasa sa kanila at para na rin buhayin ang kanilang mga pamilya. Kahit pa kalusugan nila ang nakataya ay handa parin silang magsumikap!