Angel Locsin at Neil Arce, Ikinasal na!

Local News
Si Angelica Locsin Colmenares o mas kilala bilang Angel Locsin ay ipinanganak noong Abril 23, 1985. Si Angel ay isang Filipina Actress. Bukod sa pagiging artista ay isa siyang commercial model, film producer at fashion designer. Namayagpag ang karera niya sa industriya matapos pagbidahan ang maraming palabas sa telebisyon at mga pelikula. Kasama na rito ang Mulawin, Darna, Lobo, One More Try at iba pa.

Taong 2019 nang mapabalita ang engagement dati niyang kasintahan na ngayon ay opisyal na mister na niya na si Neil Arce. Si Neil Arce ay kilalang film producer.

Ikinasal sila nitong Hulyo 7, 2021 na binasbasan ni Lino Cayetano sa Civil Wedding Ceremony. Makikita sa mga larawan ang saya ng dalawa matapos na maging opisyal ng mag-asawa at mag-isang dibdib. Matagal nang inaabangan ng mga netizen ang kasal ng dalawa marahil na rin ay dahil sa marami ang taga hanga ni Angel.

Masaya ang mga netizens para kina Angel at Neil. Marami ang bumati sa kanila at ipinalangin ang pagsasamahan nila ng maganda at masaya.

Narito ang ilang komento:

“Congrats idol very simple wedding but gave you happiness”

“May you both love and protect each other forever. Love you Angel Locsin. Beauty inside and out!”

“Congratz ms angel you deserve the happiness of a true love”