Angel Locsin, biglang nilapitan ang isang amang umiiyak para bigyan ng kaunting tulong

Local News

Viral ngayon sa social media ang isang video ni Angel Locsin nalumalapit sa isang lalaki, May inabot itong pera sa lalaking nakaupo lamang sa isang sulok at ayon sa netizen na nagbahagi ng video, umiiyak umano ito.

Marami ang lalong humanga sa aktres dahil sa patuloy na pagtulong nito kahit pa matinding pambabatikos ang inabot nito kamakailan, Matatandaang matinding pambabatikos ang inabot ni Angel matapos dagsain ang kanyang community pantry at isang matanda ang pumanaw.

Isang netizen ang hindi napigilang kuhanan ng video ang ginawa ni Angel Locsin sa isang amang umiiyak. Agad umano itong nilapitan ni Angel para abutan ng tulong.

Ayon pa sa nasabing netizen, hindi nito inakalang masasaksihan niya sa personal ang napapabalitang kabutihan ng aktres.

Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak. At pati kami ay nagulat sa actions ginawa niya. Myghaaad . Sana marami pang katulad niyo!!!Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu. Godbless!

Marami naman ang lalong bumilib kay Angel dahil dito. An angel indeed. Let’s focus on helping. My forever goal! Angel doesn’t deserve all the hate. She deserves all the respect and love.Sabihin na naman ng iba dyan, “may camera”.

Mapipigilan nya ba yung mga may hawak ng cellphone nila na gustong kunan sya? Pasalamat na lang tayo na may Angel Locsin na handang tumulong. Maraming salamat @143redangel. Pagpalain ka.