Anim na Babaeng mag Kakapatid sa Iloilo, Pare-parehas na naging Pulis!

Local News
Kung may mga pagkakataong tinatanong tayo, ng ating mga magulang tungkol sa pagpili pa lamang ng ating mga pangarap na trabaho, kasama ng ating mga kapatid ay kalimitang nagkakaiba-iba tayo ng sagot. May gustong maging isang guro, doktor, sundalo o di kaya ay naman ay gustong maging pulis.

Anim na Babaeng mag Kakapatid sa Iloilo, Pare-parehas na naging Pulis!
Pero viral ngayon sa social media ang magkakapatid sa Pajo, Zarraga, Iloilo, dahil hindi lamang isa o kaya ay dalawa ang napiling maging isang pulis sa magkakapatid, kundi anim. Mayroong siyam na anak sina Crispin at Clemencia Guelos, 3 lalaki na may bachelor’s degree at 6 na babaeng puro babae.

Ayon sa mag asawang si Crispin at Clemencia, ay sa kabila ng kahirapan na kanilang naranasa ay nagpapasalamat sila, sapagkat napagtapos nila ang kanilang mga anak. Mula naman sa impormasyon na naggaling sa mga anak ni Crispin at Clemencia ay dahil sa hirap ng buhay, kinailangan umano ng kanilang mga magulang na pasukin ang iba’t-ibang trabaho makapagtapos lamang raw silang magkakapatid.

Dahil sa pagdidiwang ng Mothers day, kaya nila ginawa ang ganitong photoshoot. Naisip kasi ng magkakapatid na ito na lamang raw ang kanilang iregalo sa kanilang mga magulang.