Babae, inireklamo ng matandang lalaki dahil inubos laman ng ATM niya

Local News

Isang retired US navy ang nagpunta sa programa ni raffy tulfo para manawagan sa kanyang dating kasintahanan.

Si Alberto Frio ay 69 years old at ang kanyang dating kasintahan na si Ronelyn Solis ay 29 years old.

Ayon kay Alberto, sinusuportahan niya financially si Ronelyn sa loob ng apat na taon ng kanilang relasyon ngunit kahit maganda ang pinapakita niya sakanya, tatlong beses na nahuli niya ito na may karelasyong ibang lalaki. Gayun pa man, pinatawad niya ito at sila ay nagkakabalikan, ngunit nangaliwa parin si Ronelyn at ngayon ay buntis na sa ibang lalaki.

Kwento pa ni Alberto, kamakailan lang ay ibinalik ni Ronelyn ang kanyang ATM ngunit inubos na nito ang laman. Paalala naman ni idol Ray, kung ibinigay niya ang ATM at ang PIN nito ay hindi na mababawi ito mula sa bangko dahil legal naman ang pag withdraw ng pera.

Kung ibinigay mo ang ATM at PIN nito sa isang tao na walang ginagawang kasulatan kung magkano ang pwede niyang kunin, para mo naring sinabi na pwede niyang kunin ang lahat ng laman nito, dagdag pa ni idol Raffy.