Babae na nagpagawa ng CR sa kanyang puwesto nagulat sa sobrang liit nito

Local News

Ang pagkakaruon ng isang comfort room o CR kung tawagin ng marami sa aatin ay isa sa pinaka masarap sa pakiramdam dahil dito mo mailalabas ang iyong sama ng loob, ngunit magiging komportable kapa kaya kung ang CR na tinatawag mong comfort room ay maging literal na comfort.

 

 

Ganito ang nangyari sa isang babae matapos mag request sa may-ari ng isang commercial building na kaniyang inuupahan, maayos naman ang kanilang pag-uusap hanggang sa pumayag naman ang may-ari nito saad pa ng may-ari ng building “okay lang naman daw na lagyan ng cr ang kaniyang nirerentahan dahil tama nga naman na may kalayuan ang cr na ipinalagay nito”.

 

 

Bukod paruon ay titira rin ang kaniyang bantay sa tindahan, upang hindi na ito mag labas pasok pa ng gusali kaya naisip niyang mag-pagawa nalamang ng maliit na cr. nangako naman ang may-ari ng building na agarang mag papagawa ng cr basta raw ay mag babayad ito ng advance deposit ng dalawang buwan upang makasiguro, pumayag naman ang babae sa nais ng may-ari sa paunang bayad.

 

Makalipas lamang ng ilang araw ay tapos naraw ang cr na ipinapagawa nito, masaya naman ang babae dahil maayos naman palang kausap ang may-ari ng building. nang tingnan niya ang ipinagawa niyang CR laking gulat niya ng makita ito. saad niya“And VOILAAAAAAAA eto na nga. Pang payat lang po, ang sakit. Pag-uwi ko ng Pinas, magbabaon na lang po ako ng arinola kasi malapad po ako,” sabi ng babae.

Agad niyang tinawagan ang kaniyang pinsan na siya rin ang nag design ng ipinagawa niyang cr, bago ito ipina-abot sa may-ari ng commercial building at maging ang pinsan nito ay hindi makapaniwala sa naging resulta aniya “malayung-malayo ang naging resulta ng kaniyang design sa cr at sa kinalabasan nito”. naging LITERAL na maliit ito at kung ikaw ay medyo may katabaan ay hindi ka maaring mag cr rito dahil hindi ka kakasya sa loob.

Kinausap naman ng babae ang may-ari ng building at nagkapaliwagan sila ng masisinsinang pag-uusap, kaya lang hindi na maaring mabago ang cr na kaniyang ipinagawa dahil naka semento na ito mahihirapan na silang gibain pa ang ilang parte nito, kahit na ganuon ang nangyari ay naging positibo parin ang babae at pinuna parin niya ang cr na ipinagawa nito saad pa ng babae “In fairness po ay maganda ang lighting!”.