Babae, Nahuling Nagtatapon ng Basura sa Dagat!

Local News

Isa sa dahilan kung bakit nasisira ang kalikasan ay dahil sa mga ginagawa ng mga tao gaya ng pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig, tulad na lamang ng isang babae na nakitang nagtatapon ng basura sa dagat. Viral ngayon sa social media ang larawan ng babaeng nagtapon ng isang timbang basura sa dagat sa bayan ng Tanza sa Cavite.

Ayon sa post ng facebook page na Cavite TV, may panawagan ito sa pamunuan ng nasabing lugar kung saan nasasakupan ang naturang dagat na tinapunan ng babae.

“BASURA, REKTA TAPON SA DAGAT SA TANZA!

viral ngayon ang larawan na ito kung saan makikita ang babae na nagtapon ng isang timbang basura rekta sa dagat mismo. Ang pangyayaring ito ay nangyari umano sa bayan ng Tanza Cavite.

“Panawagan sa ating mga kababayan, ang dagat po ay hindi basurahan!”

Umani ng pangbabatikos ang babaeng nasa larawan dahil sa ginawa nitong pagtapon ng basura sa kalikasan.

“yan ang mga taong walang pagmamahal sa kalikasan”

“Si ate pasikat..sana wag bumalik sau ang tinapon mo”

“Some people trying so hard to clean up pero ito parang wala lang sa kanya effortless nag tapon ng basura.”

“Papulot lahat ng basura sa dagat sa babae nayan! Pasaway.”

“Aba..hindi nya alam ang salitang tama at mali”