Babae, umani ng papuri matapos padedehin ang umiiyak na sanggol ng pulubi

Guide, OFW News

Trending ang isang post ng isang netizen na si Gina Borbor sa kaniyang social media saad niya sa kaniyang post”Naghihintay raw siyang dumating ang bibili ng kanyang hopia sa labas ng isang mall, nang makita niya ang isang pulubing may bitbit na sanggol. Matagal na raw umiiyak ang sanggol marahil ay nagugutom ito pilit namang pinapasuso ito ng kaniyang ina ngunit wala nang lumalabas na gatas mula sa kaniyang sus0.

 

 

 

 

Hanggang sa may isang ginang ang lumapit at nag usisa bakit umiiyak ang karga niyang sangg0l. aniya ng ina ng bata “wala na raw kasing lumalabas na gatas sa kaniya at wala pa silang pambili ng gatas kaya marahil umiiyak ito ay nagugutom na”

 

 

 

Pamaya-maya pa’y nawala ang ginang na kaniyang nakita, inakala niya’y umalis na ito ngunit nang silipin niyang mabuti ay nakita na niyang nakaupo ito sa isang gilid marahil humanap ito ng mauupuan, habang karga nito ang bata ay pinapasus0 niya ito sa kaniya.

 

Agad na tumigil sa pag-iyak ang bata. Ang babaeng nagpasuso ay si Jeralyn Gubalani, mula Bunawan, Agusan del Sur. dahil dito ay maraming netizen ang humanga at bumilib sa ginang na si Jeralyn Gubalan, nakita ito ng ginang ang kaniyang larawan sa social media maging siya ay hindi makapaniwala sa mga positibong kumento ng mga netizen mula sa kaniya.