Babaeng manganganak hindi agad inadmit, ininterview pa hanggang bawian ng buhay

Local News

Isang ginang ang binawian ng buhay habang nasa loob ng ambulansya sa labas ng ospital. Ang nasabing babae ay kinikilalang si Lolit A. Nicolas.

 

 

Ito ang saad ng kaniyang anak:

 

Ang nanay ko po ay namatay May 3, 2021 12:05 am na si Lolit A. Nicolas. Buntis po ang nanay ko at manganganak po sya this month. Pero second week pa po ang due date ng kapanakan nya. May 2, 2021 before 10 pm , sumakit po ang tiyan nya nahilab at may spotting na daw po. May check up po sya Sa Municipal Health Center, at nireffer po sya na sa sta cruz provincial hospital po si mama manganganak. Dahil ang nanay ko po ay may myoma. Ang kasama po ni mama sa Sta cruz Ay ang step father ko si Jose Vonz Bello At ang mga drivers ng ambulansya. Ang kwento po sakin ng tito vonz , pag dating po nila sa sta cruz provincial hospital pinara po sila ng guards. Ang sabi po ng guards may protocol pa po silang sinusunod na kaylangan dumaan sa interview, ang sabe naman po ng driver ay “sir emergency po ito, manganganak” Pero ininterview parin po si mama. Si mama ay nasakit ang tiyan sa ambulansya na nakaupo ininterview sya ng nurse , at si tito vonz ay nag punta sa office or window para mag asikaso. Narinig ni tito vonz na nag tataas ng boses ang nanay ko dahil hinihingan po sila ng sw4btest e manganganak na nga daw po sya. Si tito vonz naman daw po sa interview sakanya don sa window ay hinanapan sya ng refferal pero nakay mama daw po ang papel kaya bumalik sya kay mama para kunin ang refferal. Pero nung pabalik na po sya sa ambulansya kasalubong nya ang nurse at ang mama ko ay nakita nyang nakasandal sa bintana ng ambulansya. Tinanong nya si mama “ano ma, anong nangyayare sayo?” Sumagot lang po si mama na “Masama pakiramdam ko, nilalamig ako” Pag ka sambit nya po non. Hinubad ni tito vonz ang jacket nyang suot at sinuot kay mama. Pero pagkasuot ng jacket , bumagsak po ang ulo ni mama sa dibdib ni tito vonz. Pinilit gisingin ni tito vonz si mama at sinabing lumaban para sa anak nila. Ang kaso di na po nag salita. Kaya po sumigaw na sya ng sumigaw, yung driver na isa tinulungan silang buhatin si mama sa stretcher pinasok si mama sa loob ng ospital pero nasa gilid lang po. Hindi din nabigyan ng first aid at di pa bibigyan ng oxygen kung di sinabe ni tito. Ang pinipilit pa ni tito kahit ang baby nalang ang maligtas kung wala na talaga si mama kaso dineclare nila ang bata na patay na din na di manlang nacheck.