Babaeng namaga, nangitim ang mukha at binawian ng buhay dahil sa pinahid na pampaganda?

Local News

Isang Babae ang namaga, nangitim ang mukha at binawian ng buhay dahil sa pinahid na pampaganda? Ayon sa mga doktor posible talaga iyon ang dahilan ng pagpanaw ng ginang.

“‘Yung pampagandang ginagamit ng asawa ko ang nagsimula ng lahat ng ‘to!
Naka-duty siya nu’n. Sabi niya, parang masakit daw ‘yung mga mata niya. Nu’ng sumunod na araw, pulang-pula na ‘yung mata niya. Tapos nu’ng umuwi siya ng hapon, magang-maga na ‘yung mata niya! Hindi na halos makita.

Pumunta na kami sa doctor. Pagkatapos ng ilang oras, medyo lumiit na ‘yung maga ng mata niya.
Nagsimula kong napansin na may nag-iiba sa kanyang itsura nang may ginamit siya sa mukha nitong February 15. Sa umaga, kinukuskos niya ‘yung mukha niya. Pag-uwi niya sa gabi, ganoon din.

Hindi ko naman pinapakialaman ‘yung nilalagay niya sa mukha niya kasi ‘yun ang hilig niya at doon siya masaya. ‘Yun pala, sa simpleng pampapaganda, mawawala sa akin ang asawa ko!”

-Romeo, asawa ni Evelyn