Babaeng namakyaw sa community pantry, balak kasuhan ang kumuha ng video

Local News

Tama na sobra na yan ang bwelta ng anim na grupo ng mga kababaihan na namakyaw at humakot sa isang community pantry sa capitolyo ng Pasig City.

Magsasampa rin sila ng cyber libel laban sa tricycle driver na kumuha ng video na kung saan kita sa video na sila’y may mga dalang mga ecobags, kita rin sa video kung papaano nila pinakyaw at hinakot ang laman ng community pantry.

Nanawagan naman ang grupo ng mga kababaihan na tigilan na sila, dahil ipinamigay rin naman daw nila sa kanilang mga kapitbahay ang kanilang mga kinuha, at nagpaalam naman daw sila sa isang tanod na naruon sa lugar kung binebenta raw ba iyon, at ang sabi ng tanod ay libre kaya sila’y kumuha.

Gusto rin nilang makausap ang organizer ng community pantry sa capitolyo ng Pasig, upang mapag-harap sila ng harapan at dapat humingi umano ito sa kanila ng paumanhin dahil sa perwisyong ginawa nito sa kanila. at susubukan daw din nila ito ilapit sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang maaksyunan ang problema dahil nakakatanggap narin sila ng hindi maggaandang mensahe sa kani-kanilang mga facebook account nangangamba narin sila sa kanilang mga sarili maging sa kanilang mga pamilya.