Babaeng pinag palit ang kaniyang asawa sa lalaking nakilala lang sa isang online games

Local News

Mister nahuli ang kaniyang misis habang kasama nito ang lalaking nakilala lamang sa COD Mobile (call of duty) matagal ng ginagawa ito ng kaniyang misis ito sa kaniya ngunit dahil sa pagmamahal nito sa kaniyang asawa ay hindi nito magawang makipag hiwalay, dahil ayaw ni mister na umabot sa hiwalayan at maging broken family sila lalo’t may anak silang dalawa.

2018 palang noong unang umalis ng bansa si Jhay Raise Gloria upang mag OFW sa ibang bansa ngunit dahil sa pakiusap ng asawa nito na umuwi nalamang ng Pilipinas upang dito nalang mag trabaho dahil nami-miss na nito ang mister at palaging umiiyak ang kanilang anak, ay napilitang umuwi ng Pinas si jhay upang muli nitong makasa ang kaniyang pamilya,

Matapos umuwi ng pinas ng mister ay nag sabi ang kaniyang misis na siya nalamang ang mag ta-trabaho at siya nalamang ang mag bantay ng kanilang anak, labag man sa loob ng mister ay pinayagan niyang mag trabaho ang kaniyang misis sa isang Call Center Company.

Makalipas lamang ng ilang buwan ay tila may napapansing pag-babago ang mister sa kaniyang misis na maaga itong pumapasok at madalang lamang kung umuwi saad naman ng misis ay palagi siyang over time sa kaniyang trabaho at bihira lamang ito kung bigyan siya ng day off.

Dito na nag duda ang mister at upang maka tiyak ay sinundo niya ito kasama ang kanilang anak, ngunit pag-dating sa pinapasukan nito ay duon niya nalaman na may ibang kalaguyo na ang kaniyang misis at base rin sa kwento ng ka trabaho nito ay dalaga umano ito at walang asawa,

Hanggang sa nauwi sa away ang kanilang relasyon na sa tagal nilang nasa sa loob ng 11 years ay pinagpalit lamang siya nito sa lalaking nakilkala lamang sa COD mobile at sa ngayon ay nag sasama na sila at buntis narin ng mahigit isang buwan at dalawang linggo.

Ninanais naman ni Jhay Raise Gloria na makuha at mabawi nito ang kaniyang anak mula sa kaniyang asawa na tinakas at lumipat na ito ng bahay mula sa dati nilang inuupahan, na sa ngayon ay nag sasama na sila ng kaniyang kalaguyo at hindi na muling matawagan ni Jhay.

Narito ang buong videocall ng tatlong personalidad na kasama sa mga pangyayaring nag viral sa social medis: