Babaeng Siningil ng Kaibigan sa Kanyang pagkakaUtang, Galit pa nung Siningil!

Local News

Naging usap-usapan sa social media ang isang post ni Aira Polea na ibinahagi nito sa kanyang Facebook account. Ani niya ay tila hiindi naging maganda ang naging resulta ng kanyang paniningil sa kanyang kaibigan dahil imbis na makapaningil ay nagalit ito sa kanya na lubos naman niyang hindi inasahan. Ibinahagi din niya ang naging pag-uusap nila sa pamamagitan ng screenshot.

Hindi daw marunong si Aira na maningil ng utang kaya pinag-isipan niya maigi kung paano niya masisingil ang kaibigan. Naisipan niyang i-text na lang ito at mababasa naman na maayos ang pagkakatext nito.

Dalawang taon na din daw ang nakakalipas at hindi pa daw nakakabayad ng utang ang kanyang kaibigan na dapat ay isang buwan lamang. Naranasan na din daw niya na magpautang ngunit hindi naman daw humantong sa ganitong sitwasyon.

“Hindi po talaga ako marunong maningil ng umuutang, kasi ako pa ang nahihiya pero ito, iniisip ko pa Mabuti pano sya e-txt. Nakakahiya naman at nagalit sa akin dahil naningil ako. Sorry na po! Nangungutang din naman ako pero di ako ganito Nakaka takot na maningil sa panahon ngayon Baka sa sunod masapak na ko nitoMapapakanta ka nlng tlga ng #itreallyhurts,” ayon sa Facebook post ni Aira.

Narito naman ang naging usapan ng magkaibigan sa text:

Aira: “Hi Dear! Kumusta? Ask ko lang pala kung pwede ko na makuha yung hiniram mo, kahit di buo para di ka mabigatan. Regards mo ko sa cute na baby mo :)”

Kaibigan: “Okay lang naman kami. Bakit ngayon ka lang naningil? Eh syempre magagamit namin pera. Kasalanan mo yan, kunwari ka pang concern sa anak ko, maniningil ka lang naman, Alam ko naman na malaki utang ko di ko naman nakakalimutan pero sana marunong kang umintindi.. Palibahsa may pera.”

Aira: “Sorry if na-offend kita. Wala naman ako intensyon na ganyan ma-feel mo, and pasensya na if feeling mo di ako concern sa baby mo. Alam mo nahihiya din ako, sabi mo kasi babalik mo kaagad after 1 month, mag-2 years na kasi iniisip ko magkukusa ka. Sorry ulit.”

Kaibigan: “So, sinasabi mong di ako nagbabayad ng utang? Minsan sana marunong ka makaramdam, madami din ako bills na dapat bayaran at di lang ikaw.”

Maraming netizens naman ang nagreact sa post na ito. Lubhang makapal umano ang nangutang na kaibigan dahil siya pa daw ang may ganang magalit at si Aira pa daw ang humingi ng sorry. Marami din sa mga netizens ang naka-relate sa post na ito.