“BABALA PARA SA MGA MAGULANG” Masamang epekto sa mga bata ng sobrang pagamit ng gadgets

Local News

Ibinahaging karanasan ng isang magulang, nang danasin ng kanyang anak na si Shane Erich Baita ang pangit na naidulot ng sobrang pagka-expose nito sa gadget.

“Ang naging dahilan po ayon sa Doctor ay sobrang exposure sa mga gadgets na nagbigay ng sobrang Radiation sa kanya na nagdulot ng epekto sa pagdaloy ng kuryente sa kanyang utak na kung minsan di niya kontrol ang pagkilos niya.” pagkukwento ng isang Ina.

Bangungot kung maituturing ng isang magulang na makita ang kaniyang mga anak na nahihirapan.

Sa mga larawang pinost mula sa isang page, makikita ang isang batang babae na dumaan sa isang pagsusuri upang malaman ang kanyang kalagayan.

Nag-iwan din ng paalala ang Ina ni Shane sa mga kapwa niya mga magulang na hanggat maaari ay bantayan at imonitor ang pagamit ng cellphones at tablets ng kanilang mga anak upang maiwasang mangyari ang dinanas ng kanyang anak.

“Sana po ay maging babala at paalala ito sa maraming bata at mga magulang.” saad niya.