Bagitong pulis ipinamigay ang sariling bisikleta sa isang batang naglalako ng gulay

Local News

Isang Police Trainee ng Rosario Municipal Police Station, Rosario, La Union ang pinamigay ang sariling bike sa isang batang maglalako ng gulay.

Siya si Patrolman Joshua Ensano Dimaiwat na tubong San Francisco, Iriga City, Region 5 at miyembro ng ALAB-BALASIK CLASS 2020-02 Aviation Group. Isa si Patrolman Dimaiwat sa mga baguhang pulis na nag training sa Regional Training Center 1, Aringay, La Union.

Upang siya ay mabilis na makarating sa police station mula sa kanilang boarding house, siya ay bumili ng bisekleta na siya nitong ginamit sa loob ng anim (6) na buwan. Bago siya tuluyang umalis sa bayan ng Rosario, imbis na ibenta o iuwi ang kanyang bisekleta ay naisipan nitong ipamigay nalang sa isang bata na nagtitinda ng gulay.

Lubos ang kasiyahan ng batang si Gabriel dahil sa natanggap na regalo mula sa pulis, dahil maaring gamitin ng bata ang bisekleta sa pagtitinda ng gulay.

Bukod sa bisikleta ay nag-abot din si Patrolman Dimaiwat ng kunting halaga sa Ina ng bata upang makadagdag tulong sa kanilang pinansiyal na pangangailangan.

Isang saludo para sa Bagitong Pulis na hindi nagdalawang isip na magbigay ng tulong sa kanyang kapwa.