BAGO MAG-SINULOG FESTIVAL SA OLANGO ISLAND, LAPU-LAPU CITY, CEBU, ANG PINAPALIGUANG STO. NIÑO, BIGLA NA LANG DAW… SUMAYAW?

Local News

Sa isang facebook post na si dante silawan ang isang maliit na Sto. Niño na tila gumagalaw at sumasabay sa tutog, ang nasabing video ay kuha sa lugar ng barangay cow-oi,, olango island.

“Taon-taon, tuwing nalalapit ang Sinulog, pinapaliguan namin ‘yung imahen ng Sto. Niño sa sabaw ng buko na ginagawang langis.

Pero nitong nakaraang linggo, habang pinapaliguan siya, dahan-dahan siyang umikot at parang sumasayaw talaga! Eh wala namang gumagalaw sa kanya.

Hindi kami namimilit na maniwala sa amin ‘yung ibang tao, basta ang sa amin, naniniwala kami. Hindi rin kasi ito ang unang beses na nangyari ito.”

(Bobby, deboto) “Nu’ng nakita po namin siyang gumalaw at umikot, tumulo ‘yung luha naming mga nakasaksi sa sobrang saya! Naniniwala po kami sa kanya dahil sa mga pinapakita niyang milagro! Hindi matitinag ‘yung paniniwala ko na ‘yun, kahit ano pang sabihin ng iba”.