Bagong silang na sanggol. Iniwan lamang sa gilid ng kalsada

Local News

Isang sanggol ang diumano natagpuan sa gilid lamang ng kalsada sa Brgy. Calumpang, Liliw, Laguna ng madaling araw.

Nakakaawa ang mga batang walang kaalam-alam sa mundo na basta na lamang iluwal at pabayaan ito, katulad na lamang sa isang balitang ito na kamakailan ay naging usapan sa social media.

Ayon sa Facebook Page ng News5, isang sales agent ang nakakita sa sanggol, nakarinig diumano siya ng iyak ngunit nung una ay di niya pinansin ito dahil baka pusa lang daw o guni-guni lamang niya, subalit di tumigil daw sa pag-iyak kaya niya ito hinanap.

Nakita raw niya ang sanggol sa ilalim ng isang punong kahoy habang nakabalot sa puting tuwalya. Agad dinala ang bata sa Nagcarlan District Hospital para lapatan ng lunas.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang posibleng pagkakakilanlan ng kanyang mga magulang upang sampahan ng reklamo. Mabuti na ang kalagayan ng sanggol at pinangalanan siyang “Baby” pansamantala.

Umani naman ito ng sari-saring komento mula sa netizens.

Ani ng isa, “’Yong iba matagal na panahon nanalangin magkaroon ng baby hindi nabibigyan, kahit na kaya namang bumuhay ng anak at responsable, pero mga ganitong magulang pagkatapos magpasarap itatapon na lang ang anak… Nakakasukang ugali…”

Dagdag pa ng ilan, walang puso ang mga magulang ng sanggol dahil pinabayaan lamang nila ito. Hindi raw nila kayang panindigan ang responsibilidad na nakaatang sa kanila.