Bagong silang na sanggol na kasa-kasama nya sa paghahanapbuhay.

Local News

Masakit isipin para sa isang magulang na hindi mo matugunan ang pangangailangan ng iyong mga anak.
kaya hangga’t maaari gagawin ng isang magulang ang lahat ng kanyang makakaya upang mabigyan ng maayos na kalalagayan ang mga kanyang anak.
katulad nalamang ng isang ama na bitbit ang kanyang bagong silang na sanggol na kasa-kasama nya sa paghahanapbuhay.

sa isang post na ibinahagi ni CRISTINA MAGPUYO BIRAO sa kanyang Facebook account,ipinapakita nito ang kalagayan ng mag ama.
ayon kay cristina,nadaan nya ang lalaking na nag bebenta hilaw na mais habang karga karga ang isang buwan palamang na sanggol.
napag alaman ni cristina na iniwan ito ng kanyang asawa at ang kanilang anak sa poder ng amahin,
dahil sa walang mapag iiwanan o mag aalaga mas minabuti nalamang na isama ang anak sa
paghahanapbuhay kahit na nakakasama para sa bata ang kalalagayan ng pinag tatarabahuhan ng kanyang ama.

No description available.

kahit na si cristina ay miyembro ng TASK FORCE DISIPLINA dahil sa habag at awa sa mag ama ay
hindi nya niya hinuli ang lalaki bagkus tinulungan pa ito.mas minabuti nya tulungan ito lalo nasa panahon ngayon
ng pandemiya at tirik na tirik ang sikat ng araw na nakakasama para sa kalusugan ng sanggol,
binigyan niya ito ng tulong pinansyal para sa mga pangangailangan nito katulad ng gatas para sa anak.

dahil sa pangangamba para sa kalusugan ng mag ama, nanawagan si cristina sa social media ng tulong para sa mag ama na mag karoon
ng maliit na pagkakaitaan upang hindi na nila kinakailangan pang lumabas at makipag tuos sa panganib
at para nading maalagaan niya ang kanyang anak sa loob ng tahanan.

maraming netizen ang nakaramdamb ng habag sa mag amang ito. naway mabigyan
sila ng tulong para sa kanilang kaligtasan lalo na para sa sanggol.