Bagong silang na sanggol nagkaruon ng hiwa sa mukha matapos isagawa ang cesarean operation

Local News

Mahirap manganak ika nga nila dahil sa pag dadalang tao mo palang ay kalbaryo na para sa marami, anu’t pa kaya ang maglabour bago manganak.

Mas mahirap pa lalo’t kung ikaw ay hirap sa panganganak ay kinakailangang maisagawa ang c-operation o cesarean katulad nalamang ang nangyari sa isang babae sa russia na kung saan ay hirap itong mapaanak kaya kinakailangan maisagawa ang c-operation, matapos ang ilang oras ay nakaraos naman ito at naisilang niya ang kaniyang unang anak na babae.

ngunit ilang oras bago siya nanganak ay inabisuhan siya ng mga duktor na nagkaruon ng kumplikasyon sa mukha ang kaniyang sanggol, matapos tamaan ng scalper ang mukha nito na kung saan nag karuon ito ng malalim na sugat sa mukha. nagulat naman ang ina na kung papaano iyon nangyari.

Nagpaliwanag naman ang mga duktor na habang ginagawa nila ang operasyon ay naglilikot nang makalabas ang kaniyang supling kaya hindi sinasadyang matamaan ito ng scalper sa mukha kaya ito nasugatan,

Dag-dag pa ng mga duktor ay gagaling rin naman ito at kinakailangan lang ma obserbahan ang kalagayan nito upang hindi ito maging peklat sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang pagtanda.

patuloy na inoobserbahan ang kalagayan ng sanggol matapos itong magkaruon ng mataas ng lagnat

dahil sa sugat nito nangako naman ang pamunuan ng ospital na hindi nila pababayaan ang sanggol maging ang ina ng bata.