Bangkay ng bagong silang na sanggol, itinapon sa basurahan sa Baguio City

Local News

Isang bangkay ng bagong silang na sanggol ang natagpuang nakalagay sa kahon ng sapatos na itinapon sa basurahan sa Loakan Proper, Baguio City.

Nakakabit pa ang pusod ng sanggol na isang babae nang matagpuan. Dinala pa ang bata sa ospital pero nangingitim na ito at wala na ring pulso.

Sa ulat ng GMA Regional TV “Balitang Amianan” nitong Huwebes, sinabing nakakabit pa ang pusod ng sanggol na isang babae nang matagpuan.

Nakalagay ang bangkay ng sanggol sa kahon ng sapot na nakabalot naman sa isang paper bag.

Dinala pa ang sanggol sa ospital pero nangingitim na ito at wala na ring pulso. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at pagsusuri sa CCTV na malapit sa lugar para malaman kung sino ang ina at nagtapon ng sanggol sa basurahan.