Bata, nabuhusan ng kumukulong tubig sa mukha at dibdib

Local News

Ang mga bata talaga ay sadyang makukulit at malilikot dahil bata pa ay normal lamang sila ay pagsabihan ngunit sa hindi inaasahan ng dahil sa kakulitan ng bata ay maari niya pala itong ikapahamak.

 

Isang 3 taong gulang na bata ang nabuhusan ng kumukulong tubig sa kaniyang mukha namaday rin pati ang kaniyang katawan, Saad ng ina ng bata naglalaro umano ito sa kanilang bahay habang siya ay nag papakulo ng tubig na mainit ng mga oras na iyon.

 

 

 

Maliit lamang ang epasyo ng kanilang bahay,iniwan muna niya ang kaniyang anak upang mag-asikaso ng mga bagay sa loob ng kanilang munting tahanan ngunit sa hindi inaasahan ay nagulat nalamang siya nang may lumagabog at biglang iyak ng kaniyang anak. ng kaniya itong silipin ay laking gulat niya na ang pinapakulong tubig na mainit ay sumaboy sa kaniyang mukha at nadamay narin ang kaniyang buong katawan.

 

Agad naisugod sa pagamutan ang bata at sinabi ng mga duktor na nagkaruon ito ng 2nd degree burn, dahil sa kumukulong tubig at ang kaniyang balat ay bata pa labis naman ang pasakit ng nararamdaman ng magulang ng bata dahil wala pa silang pera upang maipampagamot ang kanilang anak dahil katatapos lamang nila sa unos matapos mamatay ang kaniyang ama, kaya’t halos wala silang kapera-perang naitabi.

 

Humihingi naman ng tulong ang pamilya ng bata upang maipagamot nila ito.