Bata, naglalako ng sampaguita para pambili ng gatas ng pamangkin

Local News

Sa panahon ngayon sobrang hirap talaga mag trabaho dahil sa pandemya at iba ay nasa bahay nalang, pero ibahin niyo itong bata na ito dahil sa gitna ng kanyang murang edad ay responsable na at tumutulong sa pamilya.

 

 

Isang netizen ang nag post sa social media ng litratong batang lalaki na may hawak na baby.

 

 

Ayon sa netizen na si Jenmar Deocampo Oftana ay nakita niya ang lalaki na ito na nagtitinda ng sampaguita para pambili ng gatas ng kaniyang pamangkin na 7 months old pa lamang.

 

Pansin sa mukha ng bata na nakukuha pa din niyang ngumiti kahit sa hirap ng buhay.

Narito ang buong post:

Nakasabay ko po sya sa jeep, habang ako ay pauwi galing sa pinapasukan ko. Hindi ko na sya gaano nakausap. Maliit lang na halaga ang nkayanan kng ibigay kasi yun lang kaya ng pera ko. Nag lalako po sya ng sampaguita para may pang bili ng gatas ng pamangkin. 7months old lang po yang baby na bit2 nya at pang pagamot nya. Dahil kinagat sya ng aso. Hindi ko narin napicturan ang sugat nya. Ramdam ko po yung awa dahil isa rin po akong ama. Nakuha ko na po yang litrato nila sa may fishermall sa Quezon city. Sakto din po kasi pinalipat ako ng jeepny driver kasi wala ng pasahero. Byaheng pro2.3.