Bata sa Cebu, Bibuhusan ng kumukulong tubig ng kanyang amain dahil hindi nagustuhan ang ulam

Local News

“Umuwi nu’n si Rey, ‘yung kinakasama ko. Tinawag niya ‘yung isang anak ko. Nagpapahain siya ng pagkain. Kumuha ngayon ‘yung bata ng gulay at pinaghain ‘yung amain niya.

Pero naghanap ng humba si Rey. Sabi ng anak ko, ‘Wala nang humba, Pa, dahil ginawa ninyong pulutan.’ Bigla na lang siyang sumigaw,

‘Ah baliw ka pala!’ Tapos pinalo niya na ‘yung bata. Ang bilis ng nangyari! Napayuko ‘yung bata.

Tapos kinuha ni Rey ‘yung kaldero ng gulay at pinalo ulit ‘yung anak ko. ‘Yung isa pang kaldero na may kumukulong tubig, kinuha rin niya. Hinawakan niya sa buhok ‘yung bata tsaka sinabuyan ng mainit na tubig!

Nangisay ‘yung bata sa sobrang init. Tumakbo na kami nu’ng bata. Hinintay namin ang ambulansya at pulis!

Sisiguraduhin kong makakamit ng anak ko ang hustiya sa ginawa sa kanya, kahit pa ng kinakasama ko!” -“Rosenda” nanay ni “Tina”