Bibili Lang Daw aNg Ina, Magkapatid Hindi Na Binalikan

Local News

Bilang isang magulang, responsibilidad nilang alagaan, ingatan, at ibigay lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak. Ito rin ay isang mahirap na tungkulin dahil ito ay pang habang buhay na. Kaakibat din ng pagiging isang magulang ang mas mabigat na responsibilidad dahil sa kanila nakasalalay kung ano ang kahihinatnan ng kanilang mga anak kapag ang mga ito ay lumaki na.Ngunit nakakalungkot lamang isipin na may ilang mga magulang pa rin na kayang iwan ang kanilang mga anak hanggang ngayon. Kagaya na lamang ng karanasan ng dalawang magkapatid na ito na iniwan ng kanilang ina sa harap ng isang restaurant sa Valenzuela.

Isang crew ng Mang Inasal sa People’s Park sa Valenzuela City ang nag-upload ng larawan at kwento ng dalawang magkapatid na iniwan ng kanilang ina na nagpaalam lamang sa mga ito na bibili ng payong ngunit hindi na sila binalikan nito.

Makikita naman sa ilang larawan ang isang batang lalaki na nakaupo sa harap ng restaurant habang karga-karga nito ang kaniyang kapatid. Ayon sa nakakatandang kapatid, sila ay nakatira sa Tondo at sinabi sa kaniya ng kanilang ina na ito ay bibili lamang ng payong ngunit ito ay hindi na bumalik.

Saad din ng post ni Myleen, simula pa 6 ng umaga ay nasa harap na ng restaurant ang mga bata. Dagdag din ni Myleen na napansin niya ang mga ito dahil ilang oras na rin nakaupo ang mga ito sa gilid ng restaurant at hinihintay na dumating ang kanilang ina.

Makalipas naman ang ilang oras, nilapitan na din ni Myleen ang mga bata at tinanong sa mga ito kung nasaan ang kanilang mga magulang. Sinabi naman ng nakakatandang kapatid na nais na nilang makauwi sa Tondo ngunit hindi sila makaalis sa pwesto nila dahil inaasahan nila ang pagbalik ng kanilang ina para sa kanila at hindi rin naman nila alam kung paano sila makakabalik sa nasabing lugar.

Nanawagan naman si Myleen sa mga magulang ng bata na sana ay balikan na nila ang mga bata.

Sa kasalukuyan, wala pa namang balita muli kung binalikan ba ng mga magulang ang mga bata o kung nakauwi na ba ang magkapatid sa Tondo.
Naiyak habang nagbibilang ng baryang inipon para sa ???r????n ng kaniyang anak.