Brgy. Kagawad nag komento ng di maganda sa magkapatid na kinawawa ng Madrasta, Pinutakte ng Netizens

Local News

Agaw pansin ang nagiisang post sa comment section ng Nag-viral kamakailan ang video at mga larawan ng magkapatid na walang awang pinagsasaktan ng madrasta

Hindi maitatago ang hinanakit ang mararamdaman ng mga netizens kay Norma B. Tuita, ang madrasta ng dalawang batang nagviral.

Makikita sa mga larawan ang nakakaawa at nakakapanlumong itsura ng magkapatid. Bakas ang mga sugat sa mukha at katawan nila.

Samantala, kung ang mga netizens ay nakaramdam ng inis o awa sa kanilang nasaksikhan, isang lalaki naman ang tila kinutya at natuwa pa sa nangyari sa magkapatid.

Sa Facebook post ni Nicole Gumolon, ibinahagi nito ang screenshot ng comment ni Michael Cantumbulan, ang lalaking kinaiinisan ng mga netizens.

Ayon sa Facebook account ni Michael, siya ay isang Barangay Kagawad ng Brgy. 823 Zone 89 District V ng Manila. Samantala, may mga nagsasabing na-hack raw ang account ni kagawad Michael at hindi siya ang totoong nagcomment.