Bulag nagtapos na “Summa Cum Laude” sa Pangasinan

Local News

Isa na namang kwento ng tagumpay ang umani ng papuri sa social media matapos itong pumukaw ng atensyon dahil sa storyang tiyak na kapupulutan ng aral. Kilalanin si Minnie Aveline Juan at alamin ang kanyang kwento.

Hindi naging balakid ang kapansanan sa paningin ng isang estudyante nang magtapos na may karangalan sa Virgen Milagrosa University Foundation sa San Carlos City, Pangasinan nitong Miyerkules.

Kasama ang mahigit 400 estudyante, nagtapos nitong umaga ng Miyerkules ang kauna-unahang summa cum laude ang visually impaired na si Minnie Aveline Juan.

Humanga ang marami sa determinasyon ni Juan na makatapos sa ikalawa niyang kurso sa kolehiyo na BS Elementary Education sa kabila ng kanyang pagiging bulag.

Kasama sa mga bumilid kay Juan ang kaibigan at kaklase niyang si Amelia Vicente. Aniya, ang kaibigang bulag ang naging inspirasyon niya sa pag-aaral.

Ang mapagkumbabang si Juan din umano ang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga kagaya niyang may kapansanan para maging “achiever.”

Plano umano ni Juan na gamitin ang napag-aralan at magturo ng special education for the persons with disabilities kapag natapos ang kanyang masteral degree.