Bus Pinagkaguluhan, Pati Bintana Inakyat ng mga Pasahero

Local News

Isang Netizen ay nag post ng isang video sa kanyang social media account kuha noong ika 10 ng September.

Laking gulat ni Michelle sa kanyang nasaksihan dahil bukod sa overloaded na ang bus na ito ay talagang inakyat ng mga pasahero pati bintana para makasakay.

Ang post ay may caption na,

“Luhh ano nangyayari? kala ko may zombie marathon. Kawawa naman yung mga pasahero, baka mag cause pa ng accidebt. ayy may slex enforcer pala ayun nagvivideo din”

Makikita sa post na ito na may mga barrier sa gilid na siyang ginagamit ng mga pasahero upang makatungtong upang subukang umakyat sa mga bintana ng bus para makasakay. Makikita din na sa gilid may mahabang pila ng mga pasahero na nag aantay makasakay.

May ilang netizens naman ang nag kumento na normal daw ito sa nasabing lugar lalo na pag sumapit ang 6:00 ng umaga. Ang mga pampasaherong bus daw na nanggagaling alabang ay halos lahat skyway na dumadaan kaya ang mga dumadaan sa Bicutan ay iilan lamang