Canadian na inabutan ng lockdown sa Boracay, Humihingi ng tulong para makauwi

Guide, OFW News

Isang canadian national ang naabutan umano ng lockdown sa isla ng Boracay, dahil sa hindi makauwi ay paubos narin ang naipong perang dala nito sa Pilipinas upang makaraos sa araw-araw ay naisipan nang matuloy sa covert court ng nakilalang si Kevin Lench.

 

 

Ngunit ito pala ang magiging dahilan upang gawan siya ng masamang bagay, kinuha kasi ng mga hindi nakikilalang salarin ang kaniyang mga gamit tulad ng cellphone, ATM at iba pa halos wala nang natira sa kaniya, sinubukan naman niyang humingi ng tulong ngunit dahil sa hindi niya nakilala ang mga taong kumuha ng kaniyang gamit ay wala siyang nagawa.

 

 

Hello po sana po may nka kilala po sa kanya siya po si Kevin Lench Canadian po sya nag babakasyon po parati sya dto sa boracay sya po ay na abutan na nang lock down at hindi na sya nka uwi hangang ngayon. Kinuha raw ang kanyang mga Atm at cellphone sana po matulongan nyo po sya wala po sya pamilya dto nag ka sakit po sya sa liver at sa ngayon po ay nasa hospital po sya sana po matulongan po natin sya

Sidney British Columbia po lugar niya.

Hanggang sa nagkasakit nalamang ang canadian national at sa ngayo’y nakaratay sa isang ospital sa palawan dahil sa sakit sa liver, wala itong kaibigan o pamilya na nakasama niyang malockdown sa Pilipinas humihingi ngayon ng tulong ang canadian national sa mga taong nais na tulungan siya upang makapag pagamot at makauwi na ng kaniyang bansa.

Maraming netizen ang naawa sa kalagayan ng canadian national at nagalit sa mga taong kumuha ng kaniyang mga gamit. saad ng isang netizen “nakita ko itong canadian national nuon sa isang covert court nanatutulog siya pala yung sinasabing may kumuha raw ng kaniyang mga gamit habang siya ay tulog”- jenny.